Cong. Martin G Romualdez

Romualdez: China visit ni PBBM ‘highly successful’

155 Views

INILARAWAN ni Speaker Martin G. Romualdez na ‘highly successful’ ang naging state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China kamakailan.

Ayon kay Romualdez makikita ang rapport kina Marcos at Chinese President Xi Jinping upang maresolba ang mga isyu lalo na sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Romualdez na nabanggit ni Pangulong Marcos kay Pangulong Xi ang mga alalahahin ng mga Pilipino ng mayroong pagrespeto sa isa’t isa.

“And that’s why this state visit was so successful because we could see the rapport, the personal exchanges between the two presidents,” sabi ni Romualdez.

“And the confidence now that they have with one another [and] the sincerity of each head of state’s word and how that will go a long way in addressing all these issues… whether they be contentious or not, moving forward… definitely means a lot to the relations with the People’s Republic of China,” dagdag pa ni Romualdez na kasama sa opisyal na delegasyon ng Pilipinas sa China.

Iginiit ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng pagkakaroon ng person-to-person na pagpupulong upang mapataas ang tiwala at pagkakaintindihan ng dalawang panig.

Sinabi ni Romualdez na nabuksan din sa kanilang pagbisita ang pintuan ng kooperasyon ng lehislatura ng Pilipinas at China upang mas lalong mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.