Romualdez isusulong kampanya ng pagkakaisa ni Marcos

Mar Rodriguez May 15, 2022
226 Views

IPINAHAYAG ni House Majority Leader at 1st Dist. Leyte Rep. Martin G. Romualdez na kapag siya’y nalukok bilang House Speaker sa ilalim ng 19th Congress isusulong nito ang unity agenda at solusyon para wakasan ang pandemya bilang priority ng Kamara de Representantes.

Ito ang sinabi ni Romualdez, Presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa harap ng mga miyembro ng Party-List Coalition Foundation Inc. (PCFI) na pinangungunahan ni House Deputy Deputy Speaker at 1 Pacman Party List Rep. Mikee Romero.

Binigyang diin ng House Majority Leader na tututukan niya at gagawing priority bilang Speaker of the House ang pagbangon ng bansa mula sa dalawang taong pananalanta ng COVID-19 pandemic at ang pagkakaroon ng tinatawag na “economic recovery”.

“As part of the Majority coalition. We shall be addressing the unity agenda of the administration, so we will be passing legislation amid the pandemic and hope that we are already in the endemic state,” sabi ni Romualdez.

Hinikayat din ni Romuldez ang mga kapwa mambabatas na makipagtulungan sa papasok na admistrasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong tapos na ang 2022 national at local elections. Para narin sa kapakanan ng milyong-milyong Pilipino na matagal ng naghahangad ng pagbabago.

“The elections are over. Let us bond together as one, we are one country, we are fighting this pandemic, we are trying to arrest the flagging economy. Let us rally under one flag, we are all Filipinos, we are one Congress. I want to be part of the team that keep us united together in moving the legislative agenda of this country,” dagdag pa ni Romualdez.

Tiniyak din ni Romualdez na bilang susunod na House Speaker ay ibibigay nito ang kaukulang atensiyon sa lahat ng kasapi ng Party List Group. Gayundin sa lahat ng kasamahan nitong kongresista.

“The party list business is a top priority business I get to beside one,” ayon pa kay Romualdez na tumutukoy sa kaniyang may-bahay na si Tingog Party List Rep. Yedda Marie Romualdez.