Martin1

Romualdez: Kamara suportado dagdag pondo ng defense sector

179 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsuporta ng Kamara de Representantes sa pagtaas ng pondo para sa defense sector sa ilalim ng panukalang P5.768 trilyong national budget para sa 2024 upang maipaglaban ang teritoryo ng bansa.

Noong Lunes ay sinuportahan ni Speaker Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na konsultahin ang mga opisyal ng militar kaugnay ng mapanganib na pagmaneobra at paggamit ng water canon ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard at bangka na magdadala ng pagkain, inumin at iba pang suplay para sa mga sundalo sa Ayungon Shoal.

“Our commitment to safeguarding our territorial integrity and ensuring the safety of our citizens remains unwavering. As a nation, we must take proactive measures to enhance our defense capabilities and ensure that we have the necessary resources to effectively protect our sovereign rights,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon sa lider ng 312 miyembro ng Kamara, sa ilalim ng panukalang budget para sa susunod na taon ay P282.7 bilyon ang nakalaan para sa defense sector. Ito ay mas malaki ng 21.6 porsyento kumpara sa P203.4 bilyong alokasyon sa ilalim ng 2023 national budget.

Batay sa budget message ng Pangulo, popondohan sa 2024 ang iba’t ibang Land, Air, at Naval Forces Defense Programs na nagkakahalaga ng P188.5 bilyon gayundin ang UN Peacekeeping Mission, at iba pa.

“This allocation demonstrates our dedication to maintaining a strong and credible defense posture, one that sends a clear message that we will not compromise when it comes to safeguarding our national interests,” sabi ni Speaker Romualdez.

“We must remember that a strong defense is not merely a tool for confrontation, but a means to uphold peace, stability, and the rule of law,” dagdag pa nito.

Ayon kay Speaker Romualdez tungkulin ng buong gobyerno na tiyakin na mayroong kakayanan ang bansa na harapin ang mga hamong kakaharapin nito.

“By prioritizing our defense sector in the budget, we are making a commitment to our people, to our allies, and to the international community that reflects our unwavering resolve to protect our sovereignty and promote regional stability,” sabi pa ni Romualdez.

Suportado rin ni Speaker Romualdez ang diplomatic action ng gobyerno kaugnay ng ginawa ng CCG laban sa PCG at bangka na ginamit sa resupply mission.

Nagpadala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic note sa Beijing upang iprotesta ang nangyari sa Ayungin Shoal.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang Pangulo sa kanyang paninindigan sa isyu ng sobirenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“We support his position that we should continue to assert our sovereignty there and that we should defend every inch of our territory,” sabi ni Speaker Romualdez.