Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Romualdez: Kongreso isusulong  kapakanan, interes ng manggagawang Pinoy     

Mar Rodriguez May 1, 2023
175 Views

KASABAY ng pagdiriwang ng “Labor Day” ngayong araw, tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na ipagpapatuloy ng Kamara de Representantes ang pagsusulong sa kapakanan, interes at kagalingan (welfare) ng mga manggagawang Pilipino.

Kinilala din ni Speaker Romualdez ang napakalaking kontribusyong ibinibigay ng mga Pilipinong manggagawa para sa bansa matapos nitong ipahayag na sila ang “backbone” at haligi ng ating ekonomiya sapagkat hindi ito tatakbo (ekonomiya) kung hindi dahil sa kanilang pagpupunyagi.

“Our workers are the backbone not only of their families but of the economy of the nation. The economy would not be running if not for their tireless toil,” sabi ni Speaker Romualdez patungkol sa mga manggagawa.

Sinabi ng House Speaker na dahil sa ipinapakitang kasipagan ng mga manggagawang Pilipino. Ito rin aniya ang dahilan kung bakit pinupursige at sinisikap ng liderado ng Kongreso na matugunan ang kanilang pangangailangan at mapangalagaan ang kanilang mga karapatan.

Binigyang diin ng mambabatas na patuloy ang “commitment” ng Kamara de Representantes sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga panukalang batas upang protektahan ang karapatan ng mga manggagawa. Kabilang na dito ang proteksiyon sa kanilang trabaho at income.

“This is the reason why we in the House of Representatives always make it a point to attend to their concerns. We are committed to continue working on measures that protect their rights, promote their welfare and preserve their jobs and incomes,” pahayag pa ng House Speaker.

Binigyang diin pa ni Speaker Romualdez na mayroon ng ipinasang mga panukalang batas ang Kongreso na naglalayong palawigin pa ang “economic growth” ng bansa. Kabilang na dito ang pagpapabuti sa “investment climate” ng Pilipinas para magkaroon ng maraming trabaho at income preservation.

Sinabi ng Speaker na kabilang sa mga panukalang batas na ito ay ang “liberalization amendments” na nakapaloob sa “Public Service Act, Retail Trade Law at Foreign Investments Act na naglalayong makahikayat pa ng maraming investors na maglagak ng puhunan at negosyo sa Pilipinas.

“The investment-diplomatic mission of President Ferdinand Marcos, Jr. and his economic team joined by a small group of House members are aimed at sustaining economic growth,” ayon pa kay Speaker Romualdez.