Romualdez: Magkaisa, isantabi ang politika

Mar Rodriguez Jun 12, 2022
258 Views

Martin romoualdez Martin romoualdez Martin romoualdez Martin romoualdezHINIKAYAT ni incoming House Speaker at House Majority Leader – Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez ang lahat kanilang kaalyado at kalaban sa politika na magkaisa at isa-isantabi na ang magkakaibang prinsipyong politikal. Sa halip ay dapat nilang gampanan ang pagiging bayani alang-alang sa bansang Pilipinas.

Ito ang binitiwang mensahe ni Romualdez bilang panauhing pandangal sa Kawit Cavite, sa makasaysayang tahanan ng dating Pangulo at General Emilio Aguinaldo. Kaugnay sa pagdiriwang ng bansa ng Ika-124 Independence Day.

Sinabi ni Romualdez sa kaniyang talumpati na sa darating na hinaharap ay muling mahaharap ang mga Pilipino sa isang malaking pagsubok at pakikihamok. Subalit hindi aniya sa pamamagitan ng pagbitbit ng armas para lumaban sa isang himagsikan.

Bagkos, sa pamamagitan ng pagtugon sa panawagan ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magkaisa at magkapit bisig ang mga Pilipino (Magkaka-away, magkakaibigan at magkaka-alyado) para magkaroon ng tinatawag na “nation-buliding”.

“In the coming days, we are being called again to action and service. Not to bear arms against a foreign invader, but to heed the call of unity by the incoming administration of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. we are asked to reach out to our fellow Filipinos, friends and foes alike and appeal to them to link arms for nation building,” sabi ni Romualdez sa kaniyang talumpati.

Binigyang diin pa ng Majority Leader na isang mabigat na hamon ang kinakaharap ngayon ng mga Pilipino. Sapagkat nagkawatak-watak ang mamamayan bunsod ng magkakaibang paniniwalang politikal at paninindigan.

Sinabi pa ni Romualdez na maging ang relasyon ng magkaka-pamilya ay nabahiran ng dungis dahil sa politika. Dahil sa hidwaan sa pagitan ng bawat miyembro nito. Kung saan, mayroon silang kaniya-kaniyang kandidatong sinuportahan noong nakaraang halalan.

“Mabigat ang hamon sa ating lahat. We have been polarized as a nation due to political differences, even families were torn apart by loyalties to opposing candidates in the last elections. The ‘cancel culture” has reached our shores and wrought havoc on relationships among friends,” dagdag pa ni Romualdez.