Martin

Romualdez mainit na tinanggap ang Vietnamese House leader sa pagbisita nito sa Kongreso

Mar Rodriguez Nov 23, 2022
138 Views

Martin1Martin2Martin3

MARUBDOB na tinanggap ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez si Vietnam National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue matapos ang ginawang pagbisita ng naturang Vietnamese House Leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kasabay nito, ibinigay din ni Speaker Romualdez kay Hue ang kopya ng House Resolution na naglalayong lalo pang pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng Vietnam at Pilipinas sa pamamagitan ng tinatawag na Philippine-Vietnam Parliamentary Frienship Society.

Iniabot ni Speaker Romualdez kay Hue ang kopya ng House Resolution No. 34 (unang inadopt bilang House Resolution No. 571) kasunod ng idinaos na pagpupulong o meeting ng dalawang House Leader kasama naman ang ilang mambabatas sa Kamara de Representantes.

Sinabi din ng House Speaker na kasama ni Chairman Hue sa ginawa nitong pagbisita sa Mababang Kapulungan ang ilang Vietnamese congressmen at government officials mula sa nasabing bansa kaugnay sa tatlong araw na pagbisita nila sa bansa.

“Mr. President please accept this copy of House Resolution No. 34 as a token of the commitment of the House of Representatives to be a steadfast partner of our Vietnam brethren walking lockstep along the path of mutual peace and development for both nations,” sabi Speaker Romualdez.

Si Romualdez ang pangunahing may-akda ng HR. No. 34 kasama sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalioe, House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, TNGOG Party List Cong. Yedda Marie Romualdez at House Deputy Majority Leader Jude A. Acidre.

Pinasalamatan naman ni Chairman Hue si Speaker Romualdez at ang mga kongresista dahil sa kanilang mainit na pagtanggap. Kasabay ng pahayag nito na napakahalagang pagtibayin ang “strategic partnership” sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam sa larangan ng trade at economic.

Kasama ni Speaker Romualdez si dating Pangulo at kasaukuyang House Senior Deputy Speaker Gloria “GMA” Macapagal-Arroyo sa mga sumalubong sa pagdating ni Chairman Hue sa Kongreso.