Martin Si Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at House Majority Leader Martin Romualdez. Kuha ni VER NOVENO

Romualdez: Mayor Sara ang magbibigay pag-asa sa hinaharap ng Pilipinas

501 Views

Si vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte umano ang magsisilbing tanglaw na magbibigay ng pag-asa sa mga Pilipino sa kanilang muling pagbangon.

Kumpiyansa si Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at House Majority Leader Martin Romualdez na mga katangian ni Duterte na siya ngayong kailangan ng bansa.

“Tens of thousands have lost their jobs. Our economy suffered its worst blow in modern time. Our people still face uncertainty on what tomorrow may bring for their family and loved ones. At times like these, our people need a leader who will stand as their beacon of hope for the future,” sabi ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez na kay Duterte, ang tinaguriang agila ng Mindanao, ang mga katangian ng isang lider na kailangan ng bansa upang makabangon ang bansa at mabigyan ng magandang bukas ang mga Pilipino.

“Mayor Duterte, like her esteemed father, has all the attributes needed guide us in the future. The teachings of President Duterte, who himself was a former Davao mayor, coupled with her youth and vigor combine to make, in my humble opinion, the perfect leader for a country on the rebound from COVID,” dagdag pa ni Romualdez.

Ka-tandem ni Duterte para sa nalalapit na halalan si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sila ay parehong nangunguna sa mga survey na lumabas kamakailan.