Calendar
Romualdez nagpasalamat, nagpugay kay Calida
PINASALAMATAN at pinagpugayan ni incoming House Speaker at House Majority Leader – Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romuldez si outgoing Office of the Solicitor General (OSG) Solicitor General Jose Calida. Bunsodng hindi matatawarang paglilingkod na ipinamalas nito sa ilalim ng Duterte administration.
Sinabi ni Romualdez na habang naglilingkod si Calida sa OSG. Ipinakitanito ang kaniyang hindi mapasusubalian at matatawarang kakayahan upang ipagtanggol ang bansa na tinawag niyang “staunch defender of the Republic of the Philippines”.
Binigyang diin ni Romualdez ang mahalagang papel na ginampanan ng OSG sa ilalim ng pamamahala ni Calida para ipagtanggol ang mamamayan at isulong ang interes ng bawa’t Pilipino.
“For a job well done, take a bow, men and women of OSG. You all deserve the highest commendation from a grateful nation,” sabi ni Romualdez sa kanyang talumpati kaugnay sa pagdiriwang ng OSG ng ika-121 anibersaryo nito.
Pinagpugayan din ng Majority Leader ang mga kawani, mga abogado at lahat ng bumubo ng OSG sapagkat hindi sila nagpatinag sa anumang panggigipit (pressure) dahil sa kanilang “commitment” para ipagtanggol ang tinatawag na “rule of law”.
“As the People’s Tribune, you all have shown unwavering commitment in upholding the rule of law without fear nor favor. As staunch defender of the Republic. You all displayed inexhaustible fervor in protecting the Filipino people’s interest at all times,” dagdag pa ni Romualdez.