Martin

Romualdez naniniwala na magiging matagumpay si PBBM sa paglalatag ng mga naging achievements at gains ng kaniyang administrasyon sa WEF

Mar Rodriguez Jan 16, 2023
132 Views

NAGPAHAYAG ng malaking paniniwala si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na magiging matagumpay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa paglalatag nito sa mga naging “achievements o gains” ng kaniyang adminmistrasyon sa gaganaping World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Bukod dito, sinabi din ni Speaker Romualdez na nakatakdang din ilatag at ibida ni Pangulong Marcos, Jr. ang tinatawag na “sovereign wealth” fund ng bansa o ang “Maharlika Investment Fund” (MIF) upang mai-poromote ang Pilipinas bilang isang “investment hub” sa WEF forum.

Si Speaker Romualdez ang naging susi o instrumental upang maikasa at maisa-ayos ang meeting sa pagitan nina Pangulong Marcos, Jr. at WEF Founder Dr. Klauss Schwab sa nakalipas na Association of South East Asean Nation (ASEAN) Summit na ginanap sa Cambodia. Kung saan, inanyayahan ni Schwab bang Pangulo sa Davos, Switzerland.

“In his previous participation in various global fora, President Marcos has displayed an excellent ability to articulate the interests of the Philippines as well as the significant gains under his administration and the country’s direction for future growth,” sabi ng House Speaker.

Naniniwala si Romualdez na magiging matagumpay din ang paglalatag ng Pangulo sa mga naging “achievements” ng administrasyon nito. Kabilang na rin dito ang pagpapakilala o pagbibida sa MIF sa “global stage” para makatulong sa mga business leaders na makakuha ng “business opportunities” o malalaking negosyo sa Pilipinas.

“I’m confident he would do the same in WEF, particularly in introducing the Maharlika Wealth Fund to the global stage and in helping our local leaders explore investment opportunities,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Ni MAR RODRIGUEZ & ROY PELOVELLO