Martin2

Romualdez: Pagsisikap ni PBBM sa US visit nagbunga

Mar Rodriguez May 4, 2023
188 Views

INIHAYAG ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na nagbunga ang official state visit ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Estados Unidos (US) bunsod ng mga papasok na foreign investments at iba pang negosyo sa Pilipinas na magpapa-angat sa eknomiya ng bansa.

Sinabi ni Speaker Romualdez na malaking pakinabang ang matatamo ng Pilipinas sa pagsisikap ni Pangulong Marcos, Jr. na makahikayat ng maraming foreign investors at iba pang dayuhang maumuhunan dahil magre-resulta ito sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa at pagkakaroon ng mga trabaho.

“It is heartening to note that the President’s mission to the US has scored significant gains that would not only spur further economic growth but more importantly result in direct benefits for thousands of Filipino workers in term of job created,” ayon kay Speaker Romualdez.

Binigyang diin ng House Speaker na maraming bagay ang maaaring i-alok ng Pilipinas para sa mga foreign investors upang makumbinse silang maglagak ng puhunan sa bansa. Kabilang na dito ang lumalaking “workforce”, strategic location para mag-negosyo at favorable business environment.

Malaki ang paniniwala ni Speaker Romualdez na ipagpapatuloy ni Pangulong Marcos, Jr. ang panghihikayat nito sa mga foreign investors na magtayo ng negosyo at maglagak ng puhunan sa Pilipinas na inaasahang magpapa-angat sa ekonomiya ng bansa at pagkakaroon ng mga trabaho para sa mga Pilipino.

“The Philippines has a lot to offer foreign investors including a young and growing workforce, a strategic location and a favorable business environment. I am confident that President Marcos, Jr. will continue to attract more foreign investment to our country which will helps us achieve our goal of inclusive growth,” sabi pa ng House Speaker.

Sa isang ginanap na pulong, sinabi ng presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Carnival Corporation kay Pangulong Marcos, Jr. na group of companies nito ay ay nakatakdang kumuha ng 75,000 Filipino seafarers sa loob ng susunod na tatlo hanggang apat na taon.

Ang Padget na kumakatawan din sa Carnival Cruise Line. Holland American Airlines at Seaborn ay nagbigay naman ng malaking pagpupugay at papuri para sa mga Filipino workers para sa kanilang “hospitality” at competitiveness sa larangan ng “global workforce”.