Martin1

Romualdez patuloy na kinukumusta kalagayan ng constituents, staff

Mar Rodriguez Sep 25, 2026
120 Views

PATULOY na kinakamusta ni dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang mga constituents at mga staff.

Napag-alaman na patuloy na inaalam ng kongresista ang kalagayan ng mga residente sa kanyang distrito gayundin ang mga empleyadong nagpapatuloy sa kanilang trabaho sa kanyang congressional at district offices.

Ipinaabot din umano ni Romualdez ang kanyang mensahe na dapat magpatuloy ang mga programa at serbisyo para sa kanyang mga nasasakupan sa kabila ng kanyang kasalukuyang sitwasyon.

Para sa kanyang mga staff ni Romualdez, malinaw umano ang mensahe ng mambabatas: magpatuloy sa trabaho, magpatuloy sa paglilingkod, at patuloy na tugunan ang pangangailangan ng mga constituents.

Sa likod ng mga balita, pagdinig sa korte at mga kaganapang pampulitika, ang mga empleyado sa kanyang tanggapan ay patuloy na nagtatrabaho at pinaglilingkuran ang mga constituent at ibang nangangailangan ng tulong, serbisyo at suporta.

Nananatiling malaki ang pag-aalala ni Romualdez para sa kanyang mga nasasakupan at mga kawani.

Sinabi ng kanyang staff na hindi nagbabago ang malasakit ni Romualdez sa kanyang distrito, staff at sa mga nangangailangan ng kanyang tulong at suporta.

Samantala, ang kasong kinakaharap ni Romualdez ay nakabinbin sa Sandiganbayan. Siya ay nagpasok ng plea na not guiltyat patuloy na iginiit ang kanyang kawalang-kasalanan.