Martin

Romualdez pinarangalan ng BizNews Asia

199 Views

PINARANGALAN ng BizNews Asia, ang nangungunang business magazine sa bansa, si Speaker Martin G. Romualdez.

Kinilala ng BizNews ang mga natatanging pagseserbisyo ni Romualdez sa bayan at iginawad nito ang 2022 BizNews Asia Management Excellence Award.

Kasama ni Romualdez na nabigyan ng award si Vista Land & Lifescapes, Inc. Chairman Manny V. Villar, San Miguel Corp. (SMC) President at Chief Operating Officer (CEO) Ramon Ang, Finance Sec. Benjamin Diokno, Robinsons Retail Holdings Inc. President at CEO Robina Gokongwei-Pe, ang architect at urban planner na si Felino “Jun” Palafox Jr., retired Marine colonel at Medal of Valor awardee Ariel Querubin, Reghis Romero II ng R-II Builders, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, SM Investments Corporation (SMIC) vice chairman Teresita Sy-Coson, at Senate President Juan Miguel Zubiri.

Noong 2019, si Romualdez ay ginawaran din ng BizNews Asia Excellence award sa larangan ng public service sa kanyang kapasilidad bilang House Majority Leader.

Sa kanyang closing remark sa pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng BizNews Asia na ginanap sa New World Hotel sa Makati City noong Biyernes, Nobyembre 25, kinilala ni Romualdez ang magazine sa mga malalim na mga ulat nito kaugnay ng ekonomiya, negosyo, at mga pangunahing personalidad sa bansa na naging susi sa patuloy na pamamayagpag nito.

“These are the sterling qualities that earned for BizNews Asia that essential element vital for any publication’s endurance and survival— the precious trust of its readers.,” sabi ni Romualdez.

Iniugnay din ni Romualdez ang tagumpay ng BizNews Asia sa pangulo at publisher nito na Tony Lopez, na isa ring multi-awarded veteran journalist.

“Of course, it was in a large part, due to the vast experience and exceptional journalistic acumen of Tony, as well as his leadership attributes, that contributed to the rise of BizNews Asia to its enviable position as the country’s largest weekly news and business magazine,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Pinasalamatan din ni Romualdez si Zubiri sa pagpasa ng panukalang budget para sa susunod na taon at binati si Diokno sa kumpirmasyon ng Commission on Appointment (CA) sa kanyang appointment.

Pinuri rin ni Romualdez si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” del Gallego Romualdez sa pagtulong nito na mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos, at si Ang sa kanyang malaking tulong sa paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Dumalo din sa selebrasyon sina United States (US) Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong, at mga diplomat mula sa iba’t ibang bansa.