Martin Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez

Romualdez pinuri Bagong Pilipinas eGovPH Serbisyo Hub, gobyernong tunay na nakikinig sa taong-bayan

19 Views
BBM
Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

NAGPAHAYAG ng suporta si Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa Bagong Pilipinas eGovPH Serbisyo Hub, isang inisyatiba ng administrasyong Marcos na naglalayong pabilisin, gawing mas madali at mas accessible ang pakikipagtransaksyon ng publiko sa mga ahensya ng gobyerno.

Pinuri ni Romualdez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanyang pagnanais para sa isang Bagong Pilipinas na tunay na tumutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan.

Binanggit ng mambabatas na ang eGovPH Serbisyo Hub ay kaugnay ng pinahusay na eGovPH Super App, isang mobile application na pinagsasama-sama ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan—na nag-aalis ng pangangailangang pumunta pa sa mga tanggapan ng gobyerno.

“Matagal nang nahirapan ang ating mga kababayan sa katakot-takot na pila kapag sila ay kukuha ng birth certificate, driver’s license, permit, at iba pa. Ngayon, nakikita natin ang pagbabago sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos—mula sa mahabang pila hanggang sa isang pindot na lang sa smartphone. Ito ang gobyernong tunay na nakikinig sa taong-bayan,” ani Romualdez.

Binigyang-diin niya na ang bawat Pilipino, anuman ang estado sa buhay, ay karapat-dapat sa mahusay na serbisyo mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

“This is how we bring our government closer to the people—not with long lines, hours of waiting, and red tape, but with real solutions that they see, feel, and benefit from,” dagdag pa niya.

Noong Biyernes, inilunsad ni Marcos ang Bagong Pilipinas eGovPH Serbisyo Hub sa Makabagong San Juan National Government Center (MSJ-NGC) sa Lungsod ng San Juan, at inilarawan ito bilang isang malaking hakbang para gawing mas mabilis at mas madali ang mga transaksyon sa gobyerno para sa mga Pilipino.

Isa itong one-stop shop para sa mga frontline service ng mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang medical financial assistance, libreng legal na konsultasyon, job-matching opportunities, at aplikasyon para sa mga clearance, permit at legal records.

Mula nang isagawa ang soft launch noong Hunyo 2, unti-unti nang inilalapit ng eGovPH Serbisyo Hub ang mga serbisyo nito sa publiko sa pakikipag-ugnayan sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno.

Tiniyak ni Romualdez sa Pangulo ang kanyang suporta sa programa at nangakong susuportahan ang mga panukala sa Kongreso upang matiyak ang sapat na pondo para sa parehong pisikal na serbisyo ng mga hubs at ang Super App.

“The Bagong Pilipinas eGovPH Serbisyo Hub is a major breakthrough in delivering fast, dignified, and accessible government services to millions of Filipinos. As legislators, it is our duty to see to it that such innovations are adequately funded so that these are capable of providing reliable, consistent service,” ani Romualdez.

“Public servants are duty-bound to think of solutions that will ease and not add to Filipinos’ daily burdens. Our people deserve convenience, comfort, dignity, and speed when dealing with the government that is mandated to serve them.”