Martin

Romualdez pinuri mga kongresista na di natinag sa COVID-19

Mar Rodriguez Jun 13, 2022
149 Views

HINDI natigatig ng mapamuksang “coronavirus” o COVID-19 pandemic ang masigasig at determinadong pagtatrabaho ng mga kongresista para makapagpasa ng mga mahalagang panukalang batas at House resolution sa ilalim ng 18th Congress.

Dahil dito, pinapurihan ni incoming House Speaker at House Majority Leader – Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez ang mga miyembro ng Kamara de Representantes sa ilalim ng katatapos pa lamang na 18th Congress bunsod ng ipinamalas nilang kasipagan.

Sinabi ni Romualdez na habang namamayagpag ang pamumuksa ng COVID-19 sa bansa. Hindi naman aniya natinag ang mga kongresista sa kanilang pagtatrabaho at nasindak ng COVID-19 sa loob ng tatlong taon mula Hulyo 22, 2019 hanggang Hunyo 3, 2022.

Ipinagmalaki ni Romualdez na sa ilalim ng 18th Congress, humigit kumulang sa 13,526 panukalang batas ang naipasa sa Mababang Kapulungan. 10,845 ang panukalang batas at 2,681 naman ang House resolution na naihain ng mga kongresista.

“I am proud to have walked these halls with all of you as we have faithfully discharged our duties to our nation and our people,” pagmamalaking sabi ni Romualdez patungkol sa mga masipag na kongresista.

Ibinida din ng Majority Leader na humigit kumulang sa 1,618 panukalang batas ang naipasa ng Kongreso. Mula Hulyo 2019 hanggang Hunyo 2022 sa ilalim ng pamumuno nina House Speaker Alan Peter Cayetano at outgoing Speaker Lord Alan Velasco.

Sinabi din ni Romualdez na noong Hunyo 1, 2022, 311 panukala ang natanggap at nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Malakanyang upang maging ganap na batas.

Ayon kay Romualdez, sa 311 panukala na nilagdaan ng Pangulo para maging ganap na batas. 19 dito ang may tinatawag na “national scope” habang ang 192 naman dito ang nasa “local scope”

Ipinaliwanag din ni Romualdez na habang ang buong mamamayan ay nananatili sa kani-kanilang mga tahanan para makaiwas sa bagsik na dala ng “coronavirus”. Ang mga mambabatas, mga empleyado at opisyales ng Kamara ay nagpatuloy naman sa kanilang mga trabaho para gampanan ang kanilang mga tungkulin sa harap ng pandemiya.

“While almost everybody were forced to stay in their homes for safety during community quarantine. House members, officials. and employees went out of their way to report for work and perform their duties diligently. Dagdag pa ni Romualdez.