Martin

Romualdez pinuri pagbubukas ng  garage sale for charity sa Kongreso

Mar Rodriguez Nov 23, 2022
202 Views

PINAPURIHAN ngayon ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbubukas ng “garage sale for charity” sa Kamara de Representantes na isang “fund raising” project na ikinasa ng mga babaeng kongresista para makatulong sa mga mahihirap na mamamayang Pilipino.

Pinasiyanahan ni Speaker Romualdez ang pagbubukas ng “garage sale for charity” na naglalayong makalikom ng pondo o “fund-raising” na tinaguriang “PamasCong Handog” para makatulong sa ilang mamamayan na nangangailangan ng tulong.

Ang nasabing “charity project” ay inisyatiba ng Association of Women Legislators Foundation Incorporated na pinangunahan mismo ni TINGOG Party List Congresswoman Yedda Marie K. Romualdez at si Bulacan 4th Cong. Linabelle Ruth Villarica, pangulo ng AWLFI.

Sa kaniyang talumpati, pinapurihan ni Speaker Romualdez ang mga babaeng mambabatas dahil sa naging tagumpay ng kanilang proyekto. Kung saan, ang perang malilikom mula sa nasabing “charity project” ay mapupunta sa iba’t-ibang social activities ng AWLFI.

“By doing so, you have transformed this sale transcend the common objective of trade and elevated it to that a lofty and noble undertaking,” sabi ni Speaker Romualdez sa kaniyang talumpati.

Sinabi pa ng House Speaker na ang konsepto at paglulunsadng ng “garage sale for charity” ay bilang paghahanda narin sa nalalapit na panahon ng Kapaskuhan o Christmas season.

Hinihikayat naman ni House Majority Leader at Zamboanga Lone Dist. Cong. Jose “Mannix” Dalipe ang mga empleyado ng Kongreso na suportahan ang inilunsad na “charity Project” ng mga babaeng kongresista.

“This activity provides us with an optimism that despite our people’s hardships, there are groups like the AWLFI who are doing everything possible to help our fellowmen,” ayon kay Dalipe.