Calendar
Romualdez suportado ayuda ng gobyerno para sa mga batang biktima ng karahasan
BUO ang suporta ni Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin G. Romualdez sa plano ng pamahalaan na bigyan ng pinansyal na tulong ang mga batang naging biktima ng mararahas na krimen.
Iginiit ni Romualdez ang kahalagahan na matulungan ng gobyerno ang mga biktima ng karahasan upang matulungan ang mga bata na makabangon at makapagsimulang muli.
“Our young ones deserve to be cared for, nurtured, and protected. When they become victims of cruel, violent crimes, it becomes the government’s duty to ensure that they are properly supported on the way to healing and recovery,” ani Romualdez.
“By making it easier for them to access financial compensation that can cover expenses for treatment, therapy, legal support, and education, we give young survivors a real chance at a fresh start — with the government standing firmly by their side,” dagdag pa ng mambabatas.
Tiniyak din ni Romualdez na isusulong niya sa Kongreso ang mga hakbang para gawing bahagi ng batas at masigurong may sapat na pondo para sa pagpapatupad ng programa.
“Ang mga batang biktima ng marahas na krimen ay aming kinakatawan sa Kongreso. Nararapat lamang na mabigyan sila ng sapat na suporta para sa kanilang pagbangon at paghilom,” giit ni Romualdez.
Sa kasunduan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Justice (DOJ), tutulungan ng DSWD ang mga batang nasa kanilang pangangalaga upang makakuha ng tulong mula sa Victim Compensation Program (VCP) ng DOJ.
Layunin ng VCP na magbigay ng pinansyal na kabayaran sa mga biktima ng karahasan tulad ng rape, torture, sapilitang pagkawala, human trafficking, at online sexual abuse.
Ayon kay Romualdez, malaking tulong ito sa mga batang biktima at sa kanilang pamilya.
“By helping them jumpstart their recovery and reintegration into society, we are not only fulfilling our duty as public servants — we are also giving these children the chance to dream again and reach for a better future,” ani Romualdez.

