Calendar
Romualdez tiniyak pagkakaisa ng mga kongresista
TINIYAK ni House Majority Leader at Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez na kapag pormal na siyang naluklok bilang House Speaker sa ilalim ng 19th Congress sisikapin nito na magkaroon ng pagkakaisa at magandang samahan – relasyon sa lahat ng mga kongresista.
Sinabi ni Romualdez na ang pagkakaroon ng magandang relasyon para sa lahat ng mambabatas ay bilang paghahanda sa mabigat na trabahong gagampanan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pagbabalangkas ng mga mahahalagang batas na prayoridad ng papasok na adminisyrasyon ni presumptive Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ito ang naging pahayag ni Romualdez sa dinaluhan niyang “luncheon meeting” kasama ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) noong nakaraang Huwebes sa EDSA Shangri-La Hotel.
Nabatid sa House Majority Leader na ang isa sa mga paksa o agendang napag-usapan sa isinagawang pagpupulong ay ang nagkakaisang suporta ng lahat ng mga kongresista para sa “legiative agenda” ng administrasyong Marcos.
“Ito ang sinasabi nilang unity. Ito talaga ang mensahe ng UniTeam noong nangampanya sila at ito na nangyayari ngayon po sa House of Representatives. Nagkakaisa po ang House of Representatives behind the incoming administration at ito para sa kalusugan at kabuhayan ng lahat ng Pilipino,” sabi ni Romualdez.
Sinabi pa ng House Majority Leader na: “So we are looking forward to working together, bonding together in helping the incoming administration and his spirit, his message, his reason for a united Philippines”.
Inihayag din ni Romualdez na plano ng Kamara de Representante na magbalangkas ng tinatawag na “stimulus package” upang matulungan ang bansa na tuluyan ng makaahon mula sa COVID-19 Pandemic.
“It will allow the incoming President to harness the resources available to him duing this closing period of 2022 and address the measures that are needed for the pandemic, hopefully endemic, stage of this COVID issue, and of course to harness whatever remaining resources to stimulate the economy and to reinvigorate it for the betterment of all,” paliwanag pa ni Romualdez.