Vic Reyes

Romualdez unbeatable leader

Vic Reyes Jul 13, 2025
65 Views

SA isang makabuluhang hakbang na naglalayong muling buuin ang integridad at kumpiyansa ng publiko sa Bureau of Customs (BOC), naglabas si Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng memorandum noong Hulyo 10, 2025,

“prohibiting all officials, employees, and personnel from holding any business or financial interest in Customs Brokerage operations.”

Ang repormang ito ay umaayon sa apela ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mabuting pamamahala at bahagi ito ng pinalakas na mga hakbangin ng ahensya upang maiwasan ang “conflict of interest” at pahusayin ang transparency sa loob ng ahensiya.

Sinabi ni Commissioner Nepomuceno, ito ay tugon bilang pagpupursige ng Bureau of Customs sa “institutional integrity, remarking “This goes beyond mere policy. It represents a public affirmation that the Bureau of Customs will not accept behaviors that foster corruption, favoritism, or undue influence. We are prioritizing the public’s interest over individual profit.”

Kaugnay nito, pinuri ng mga stakeholders ang aksyon ni Commissioner Nepomuceno.

Magandang hakbang ito, marami kasing mga empleyado at opisyal ng BOC ang nagbo-broker na rin.

Ang nangyayari tuloy ay naaagawan pa nila ng kargamento ang mga lehitimong brokerage companies.

Masakit dba?

***

Kung baga sa basketball, nasa last “3 minutes” na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Ito na ang panahon na kailangang ipasok na ni Pangulong Marcos ang lahat ng mga taong maasahan niyang makatutulong sa administrasyon.

Tama ang desisyon ni Pangulong Marcos na magtalaga na ng mga bagong government officials.

Nandiyan sina Customs Commissioner Ariel S. Nepomuceno at Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office (PCO).

Pinalitan ni Commissioner Nepomuceno si Bienvenido Y. Rubio, samantalang si Gomez ang pumalit kay Jay Ruiz.

Nakita siguro ng Malacanang na lalong gaganda ang performance ng dalawang ahensya kung may mga bago nitong liderato.

Kaya hindi puwedeng pa-easy-easy ang mga bagong talagang opisyal.

Tama ba kami, Pangulong Marcos at reelected Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez?

****

Sa July 28 (Lunes) ang pang-apat na state-of-the-nation address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ang kanyang SONA ay ide-deliver ni Marcos sa joint session ng 20th Congress.

Gaganapin ang joint session of Congress sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Inaasahang si Rep. Martin Romualdez ang aaktong isa sa dalawang presiding officers ng joint session.

Hindi natin sigurado ay kung si Senate President Chiz Escudero pa rin ang kasama ni Romualdez na presiding officers.

Sa tingin ng maraming political observers ay “unbeatable” si Rep, Romualdez.

Ito ay kitang-kita sa dami ng pumirma sa impeachment complaint na ipinadala sa Senado ng House of Representatives.

Hindi na nga duman sa komite ang nasabing impeachment sa dami ng pumirmang mambabatas.

Dito ay kitang-kita na solido ang liderato ni Rep. Romualdez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484, email: philipreyes08@yahoo.com.)