Calendar
Iniharap ni PLt.Col.Norman Patnaan ang suspek na may kasong rape matapos matimbog ng mga operatiba ng Malate Police Station 9 sa Tondo, Manila.
JONJON C. REYES
‘RONALD DELA ROSA’ HINULI SA TONDO
Sa 14 bilang ng panghahalay
ARESTADO ang rape suspek na kapangalan ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng MPD Malate Police Station 9 nitong Martes ng umaga sa Tondo, Maynila.
Ang suspek ay dinampot dahil sa 14 na bilang ng kasong pangaabusong seksuwal sa Primero Demayo Street, Barangay 204 Zone 18, Tondo.
Nakilala ang suspek na si Ronald dela Rosa, car body fabricator, at residente ng Primero Demayo Street.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan, Malate Police Station commander, naaresto ang suspek ng mga operatina ng Warrant Section sa pamumuno ni PLT. Michael G. Olaer(C, SIDMB) bandang 10:30 a.m.
Bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa suspek para sa pang-aabusong seksuwal na inisyu ni Judge Princess Ma. Bajarias-Hermogeno ng Family Court, National Capital Judicial Region, Branch 6, Maynila, noong ika-9 ng Nobyembre, 2026.
Inirerekomenda ng korte ang piyansang P120,000 para sa bawat isa sa 14 na kaso ng suspek.
Ang operasyon ay isinagawa ng mga kapulisan bitbit ang dalawang alternatibong kagamitang pang-rekord, alinsunod sa mga panuntunan sa paggamit ng mga body-worn camera.
Ang suspek ay kasalukuyang nakadetine sa Malate Police Station.
Nagpaalala si PLt.Col.Norman Patnaan sa mga nagtatago sa batas na walang puwang sa Malate ang mga kriminal.
“Kapag gumawa ka ng krimen sa area namin, hindi kami magsasawa at mapapagod na kayo ay hanapin at panagutin sa batas,” aniya.

