Calendar
Roque posibleng naglakbay sa illegal na paraan
INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na posibleng umalis ng bansa si dating Presidential Spokesperson Herminio Harry Roque Jr sa pamamagitan ng iligal na paraan.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na batay sa kanilang beripikasyon natuklasan na walang nakitang pagtatangka na umalis ng bansa sa pamamagitan ng mga pormal na channel.
Ang kanyang huling naitalang paglalakbay, ayon sa BI, ay noong Hulyo nang siya ay umuwi mula sa Los Angeles.
“Flight is an evidence of guilt. He likely left the country via illegal means, possibly aided by unscrupulous individuals,” saad ni Viado.
Nagsumite umano ng kanyang counter-affidavit si Roque sa kasong qualified human trafficking laban sa kanya mula sa Abu Dhabi.
Sinabi ni Viado na pinag-aaralan na ng kanyang legal team ang pagsasampa ng mas maraming kaso laban kay Roque dahil sa kanyang iligal na paglalakbay.
“He most probably falsified immigration clearances to be accepted by his destination country,” said Viado.
Dagdag pa niya, pinag-iisipan nila ang paghahain ng falsification of public documents, bukod sa iba pang posibleng kasong isasampa laban sa kanya.
“It’s impossible that he left via formal ports. His name is in the BI’s Lookout Bulletin, and he is a very well-known public figure. You can spot him miles away,” sabi ni Viado.
Idinagdag niya na ang mga pormal na entry at exit point ay mahusay na binabantayan, na may mga CCTV camera sa mga pangunahing internasyonal na daungan, kaya hindi malamang na gamitin niya ang mga nasabing lugar.
Sinabi ni Viado na makikipag-ugnayan sila sa Philippine Embassy sa Abu Dhabi para makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa paglalakbay ni Roque.