Roque: ‘Time-tested experience’ ng problem solvers na sina BBM, Sara kailangan ng bansa

213 Views

ANG “time-tested experience” nina UniTeam presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice presidential aspirant Sara Duterte ang kailangan para sa mabilis na pagbangon ng bansa.

Sinabi ni senatorial aspirant at dating Presidential spokesman Harry Roque na malaking bagay ang karanasan upang makapamuno ng mahusay at parehong mayroon nito sina Marcos at Duterte.

Si Marcos ay naging gubernador ng Ilocos Norte bago naging kongresista at senador samantalang si Duterte naman ay naging vice mayor at mayor ng Davao City.

“To accelerate national recovery, we have to choose executive and legislative leaders that have earned the full trust of the majority if not supermajority of Filipinos,” sabi ni Roque.

Sa paghawak sa kani-kanilang naging posisyon, sinabi ni Roque na naipakita ng dalawa na sila ay mga problem solver na siyang kailangan ng bansa ngayon.

Nangako naman si Roque na susuportahan ang dalawa upang mapatakbo ng mahusay ang gobyerno kapag siya ay pinalad sa Senado.

Nanawagan din si Roque sa ibang kandidato na tigilan na ang negative campaigning.