ROTC Nasa larawan sina PSC Commissioner Matthew “Fritz” Gaston, PSC Chairman Richard Bachmann, CHED Sports Project Lead Ms. Ana Yango, Senator Francis Tolentino, DND Asec. Henry Robinson Jr., CHED Executive Director-Central Office Cinderella Jaro at Philippine Amry MGen. Joel Nacnac sa press conference para sa ROTC Games opening sa Iloilo Sports Complex nitong Aug. 13.

ROTC Games, ninanais maging institusyon

305 Views

ILOILO City – Tulad sa pagkilala sa kahalagahan ng pamilya, asam ni Sen. Francis Tolentino pati na ang mga kasama nito sa Commission on Higher Education, Armed Forces of the Philippines,

Department of National Defense at Philippine Sports Commission na maging institusyon din ang Philippine Reserve Officers Training Corps Games.

Ito ang napagkasunduan ng mga ahensiya matapos na buksan nina Senador Tolentino kasama sina PSC chairman Richard Bachmann, Commission on Higher Education Executive Director-Central Office Cinderella Jaro pati na rin ng AFP at DND matapos ang makulay na pagbubukas ng multi-sports na torneo.

“Ang Philippine ROTC Games po ay nagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng sports,” sabi ni Tolentino.

“Ito ay nagsisimbolo ng patriotism, volunteerism at pagsisilbi para sa ating Inang Bayan kaya kami po na mga ahensiya ay nagkakasunod na makilala ito bilang isang respetadong institusyon.”

Nagbigay din ng kanilang pagsang-ayon sa pagkilala sina Special Assistant to IloIlo City Mayor Matthy Treñas, Iloilo City Councilor Sidfrey Cabaluna, Rep. Anthony Rolando Golez Jr., at Iloilo Governor Arthur Defensor Jr.

Umaasa din sina Tolentino, Bachmann at mga opisyales na maisasabay nila sa pagtakbo ng panahon ang iba pang kakulangan sa torneo na inaasam nitong mas makakabuti pa sa torneo pati na sa mga kasaling kadeteng atleta.

“We hope to include the PROTC Games as among our sports programs in CHED as we review our programs,” sabi naman ni CHED Commission on Higher Education Executive Director-Central Office Cinderella Jaro.