Isko1 PASKONG MALIWANAG NI YORME ISKO — Si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasama si Bise Alkalde Chi Atienza, MPD Director PBGen.Arnold Santiago, PLt. Col. Norman Patnaan, hepe ng Malate Police Station 9, at PLt. Col. Jervie Alfonso ng Ermita Police Station 5 sa pagpapailaw sa Roxas Boulevard mula Malate hanggang United Nations Avenue, Ermita, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Roxas Boulevard lumiwanag

Jon-jon Reyes Nov 10, 2026
43 Views

IskoIsko2Isko3Isko4Isko5PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagpapaliwanag sa Roxas Boulevard mula Vito Cruz hanggang Finance Road at UN Avenue.

Tiniyak nina city electrician Randy Sadac at city engineer Armando Andres na susundan pa ito ng pagpapailaw sa iba pang bahagi ng Roxas Boulevard para sa mas maliwanag na kalsada.

Nakiisa rin sa aktibidad si Vice Mayor Chi Atienza, kasama ang mga konsehal at department heads ng Maynila.

Dumalo din si PBGen. Arnold Santiago, director ng Manila Police District, sa lighting ceremony.

Ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa pangako na magkaroon ng mas maliwanag, mas ligtas at mas maayos na mga kalsada para sa kapakinabangan ng lahat ng mga motorista at komyuter para sa kaligtasan at seguridad.

Marami rin CCTV sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan, hepe ng MPD Malate Station 9, binabantayan ng mga CCTVs ang lugar at round-the-clock ang pagpapatrolya sa Maynila.

Maging si PLt. Col. Alfonso hinihikayat ang lahat na sumunod sa batas, panatilihin ang disiplina at iwasan ang anumang gawaing labag sa batas.