DOH

rt-PCR para sa monkeypox handa na

222 Views

NAKAHANDA na ang real time polymerase chain reaction (rt-PCR) assay na magagamit sa pag-detect ng monkeypox virus.

Ayon sa Department of Health (DOH) naging matagumpay ang pagtatayo ng PCR assay ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na bahagi ng paghahanda ng bansa laban sa monkey pox.

Sinabi ng DOH na ang mga suspected o probable monkeypox case ay dapat sumailalim ng hindi bababa sa 21 araw na home isolation.

Plano rin ng DOH na magtayo ng Monkeypox Operation Center habang bubuhayin ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kapag tumaas ang tyansa na dumami ang kaso ng monkeypox sa bansa.

Naitala ang unang kaso ng monkeypox sa Southeast Asia noong Martes sa Singapore.

Karamihan ng mga kaso ng monkeypox ay naitala sa Europa.