Roque

RTC ibinasura kasong rape vs Pandi mayor

19 Views

Roque1‘Provisionally dismissed’

IBINASURA ng o provisionally dismissed mula sa Regional Trial Court (RTC) Branch 121 ng Caloocan City ang inihain na kasong rape laban kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at sa dalawang kasama nito, matapos mapatunayang walang basehan at walang katotohanan ang mga bintang laban sa alkalde.

Sa inilabas na desisyon ni Judge Rowena Violago Alejandria ng RTC Branch 121 noong Pebrero 25, inilahad dito na ang pangalan ng nag-akusa sa alkalde, isang Mikaela Buico Mariano, ay hindi umano tunay na pangalan at imbento lamang din umano ang address ng tirahan na ibinigay nito.

Ayon pa sa korte, maging ang medico-legal na isinumite nito ay napatunayang hindi totoo, gayundin ang blotter nito dahil wala ito sa mga dokumento ng Women and Children Protection Desk ng Caloocan City Police Station.

Sinabi naman ng kampo ni Roque na ang kasong kriminal na inihain laban sa alkalde ay isa lamang umanong direktang paninira sa kanyang pagkatao at public image.

Dagdag pa nila, ang kasong ito ay nagbigay ng kahihiyan kay Roque hindi lamang may kaugnayan sa pulitika, kundi isang pagnanakaw na rin sa kanyang mga karapatan bilang tao dahil sa mga walang katotohanan at inimbentong akusasyon laban sa kanya.