Rufa mae

Rufa Mae sumampa sa BBM-Sara, sumampa rin kay Pacquiao

Aster A Amoyo Apr 6, 2022
282 Views

NANINIWALA marahil ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa kasabihang “the more, the merrier” or “strike while the iron is hot.”

Matagal din nawala sa showbiz si P-chi (her pet name) kaya she is making up for lost time. Kaya kung may offer na mag-perform ay hindi niya tinatanggihan.

Nabalita na nahilingan si Rufa Mae to perform sa rally ng BBM-Sara Duterte. May mga nag-post pa nga na video niya while singing sa rally.

Pero we also came across a video na she was also performing sa rally ni Manny Pacquiao.

Siguro ay hindi makatanggi si Rufa Mae sa nag-imbita kaya she said yes sa parehong rally kahit na magkalaban sa presidency ang mga pambato nang sinampahan niyang stage.

ZanjoeBilin ni Bela kay Zanjoe, sakto lang

AMINADO si Zanjoe Marudo na he felt awkward the first time he reported on the set of 366, ang directorial debut assignment ni Bela Padilla.

Ang thought balloon ni Zanjoe, sana raw hindi raw istrikto si Bela sa set at kung pwede ba niya ito biruin while working.

Ngayon lang uli makakatrabaho ni Zanjoe si Bela since may ginawa silang teleserye sa ABS-CBN some years ago.

Pero kwento ni Zanjoe, marami siyang natutunan kay Bela as an actor. Ang isa rito ay ang importance ng pagsunod sa vision ng director.

“Sabi sa akin ni Bela, ito lang ang gusto ko na gawin mo to interpret your role. Hindi kailangang sobra. Dapat sakto lang,” dagdag pa ni Zanjoe.

After reading the script, may hirit pa nga si Zanjoe na sana raw yung role na napunta kay JC Santos ang ibinigay ni Bela sa kanya.

Pero Bela said napanood naman niya ang movies ng binata and she finds him a good actor. Fan daw siya ni Zanjoe kaya naniniwala siya na kaya nito ang role na napunta sa binata.

Ipalalabas ang 366 sa Vivamax on April 22. Kasama rin sa pelikula, na si Bela rin ang nagsulat, si JC Santos.

Pelikulang inisnab sa MMFF, wagi sa India

CONGRATS sa Heaven’s Best Entertainment Productions, producer Harlene Bautista and Direk Louie Ignacio sa panalo ng ‘Huling Ulan sa Tag-Araw’ as Best Feature Film sa recently-concluded Prime International Film Festival na ginanap sa Mumbai, India.

Bida sa movie sina Rita Daniela at Ken Chan, na entry sa Metro Manila Film Festival last December.

Sweet victory ang panalo obra ni Direk Louie matapos na ito ay isnabin ng MMFF Jury last December. Isang award lang ang nakopo nila and that was for Best Theme Song na si Direk Louie rin ang composer.

Nagpapasalamat si Direk Louie na nagustuhan ng festival jury ang kanilang pelikula which boast of good performances mula kina Rita, Ken at Lotlot de Leon.

Here’s wishing na manalo pa ng ibang awards ang ‘Huling Ulan sa Tag-araw’ sa darating na awards season.