Rufa

Rufa Mae umaming may problema silang mag-asawa

Vinia Vivar Feb 1, 2025
10 Views

Nilinaw ni Rufa Mae Quinto na wala pang nagpa-file ng divorce sa kanila ng Fil-Am husband na si Trevor Magallanes.

Sa guesting ng sexy comedienne sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, inamin niya na may problema silang mag-asawa at hinihintay lang niya na magkausap sila.

“Bilang asawa siyempre inaantay ko lang na maklaro kami, mag-usap pa rin kung totoo ba talaga ‘yan ang nararamdaman niya kasi lagi nga rin kasi akong wala, eh. So baka naman pwedeng lambingan na muna, makiusap, pasensya na,” sabi ni Peachy (tawag kay Rufa Mae).

“Kasi siyempre pagod ako, lagi akong wala, in short. Siyempre, there’s always two sides of the story, pero naiintindihan ko rin na hindi naman, siyempre, puro lang ako ang tama. Siyempre, siya rin naman may reason din. Pero we’re going through something,” dagdag niya.

Kung talagang ayaw na raw ni Trevor, tatanggapin naman niya. Pero wala pa raw talagang nagpa-file ng divorce.

“Kasi kung ayaw na rin naman n’ya bakit ko hindi rerespetuhin ‘yon? Pero ‘yung legalities sa mga file-file, walang nag-file ng divorce. So, hindi ako magpa-file kasi ang dami nang nag-file, nag-file na rin ako, so ang daming file.

“Ayoko munang mag-file sa mga divorce-divorce. Dito rin naman kasi kami kinasal sa (Pilipinas), so hindi ko alam kung anong gagawin, masyadong masakit pa,” aniya.

Tinatanong nga raw siya ng kanyang anak na si Athena ng ‘When our family will be together?’ na napakahirap daw sagutin.

Sa tanong kung mahal pa niya ang asawa, sagot ng sexy comedienne, “Oo naman mahal ko siya, siyempre, at saka gusto ko, siyempre, makumpleto ang pamilya namin.”

Natanong din kung gusto pa ba niyang magkabalikan sila ng mister at ani Rufa, “Ako kasi kung ayaw na, rerespetuhin ko ‘yon kahit na masakit sa akin. Siyempre, ‘di ba, bakit ko pipilitin ang isang tao kung ‘yon ‘yung nararamdaman n’ya?”

Dagdag pa niya, “Hangga’t nga walang nagpa-file, waiting lang. Kumbaga, hindi mo tinatapos kasi para rin sa anak namin ‘yon. Saka wala naman kaming matinding pinag-awayan. Ako, gusto ko pa siya, ‘di ba?”

Matatandaang kinumpirma ni Trevor sa kanyang Instagram post last December na hiwalay na sila ni Rufa at kasalukuyan nang pinoproseso ang kanilang divorce.

“Hey guys, I felt like I need to explain myself based on social media and all that. I want to make myself clear that Rufa Mae and I are in the process of a divorce.

“You may be aware divorce can be very devastating to the children and also the parents. That being said my marriage has been a shit show and i am sorry for that.

“All that matters me at this time is getting through the divorce as best as I can and spending time with Athena. Happy holidays!” ang kabuuan ng statement ni Trevor.