ruffa gutierez

Ruffa may pinapa-block at report na socmed account

Vinia Vivar Oct 14, 2024
39 Views

Pinalagan ni Ruffa Gutierrez ang lumabas na fake news tungkol sa kanyang inang si Annabelle Rama.

Isang netizen kasi ang nag-post na sinabi raw ni Tita Annabelle na mas bagay si Janine Gutierrez kay Jericho Rosales kesa kay Paulo Avelino.

Sa screenshot nga na ibinahagi ni Ruffa sa kanyang Instagram Story ay mababasang naka-quote pa ang kanyang ina na sinasabing noon pa man qy ayaw na niya kay Paulo para kay Janine dahil babaero umano ang aktor.

Kaya naman hindi ito pinalampas ni Ruffa at ipinagsigawang fake news ito.

“Before posting make sure you get your facts STRAIGHT,” mensahe niya sa nag-post.

Sey pa niya, “Netizens, before you comment, mag-research muna kayo. BLOCK & REPORT THIS ACCOUNT!”

Tinanong pa raw niya ang mommy niya tungkol sa isyung ito at ang sagot daw nito sa kanya, “Pakialam ko sa kanila! Busy ako, ‘day!”

Hahaha! Mas apektado pa si Ruffa kesa sa kanyang mommy, huh!

Dennis marami nang nabiling crop top

Aliw ang sagot ni Dennis Trillo sa komento ng netizen tungkol sa kanyang pagsusuot ng crop top.

“Ba’t ganun?” sey ng netizen, “natatawa ako na kinikilabutan… @dennistrillo wag mo na ulitin kahit nakaka good vibes. na confuse ako sa naramdaman ko, napa comment tuloy ako. Cute!”

Sagot naman ng aktor, “Pasensiya na po kayo pero marami na akong biniling Crop Top.”

Matatandaang ibinandera ni Dennis sa Instagram ang kanyang OOTD habang magka-holding hands silang naglalakad ng asawang si Jennylyn Mercado sa Disneyland, Japan.

Makikita sa reel na nakasuot ng crop top si Dennis na matatatandang pinauso ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Ang daming nag-react sa OOTD ni Dennis at maging ang kapwa-celebrities ay nag-comment din. May tumawag pa nga sa aktor ng “Dennis TrillYULO.”

Ang pinakanakakaloka sa lahat, natalbugan ni Dennis nang bonggang-bongga ang lovely wife niya sa kanyang suot. Hahaha!