Calendar
Sa pangunguna ni Speaker Romualdez, Kamara nilampasan mga records
NAITALA ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang bagong rekord sa pinakamaraming naipasang panukalang batas—isang patunay ng pagiging produktibo ng Mababang Kapulungan ngayong 19th Congress.
Ang naabot ng Kamara ay nagtataas sa standard na dapat sundan ng mga mambabatas sa hinaharap at nagtataas sa reputasyon ng Kamara bilang isang kapulungan na umaaksyon ng may resulta.
Mula sa pagbubukas ng 19th Congress noong Hulyo 25, 2022, hanggang noong Disyembre 27, 2024, umabot sa 13,454 ang mga inihaing panukala sa Kamara.
Sa bilang na ito, 1,368 ang naaprubahan kung saan 166 ang naging batas—73 ang national laws at 93 ang local laws.
“This Congress has set a new standard for productivity and purpose. Our collective achievements reflect our deep sense of duty to the Filipino people, ensuring that every measure we craft, debate, and pass uplifts lives, strengthens communities, and builds a resilient nation,” ani Speaker Romualdez.
Sa naihaing 13,454 panukala, 11,241 ang bills, 2,212 ang resolusyon at isa ang petisyon. Nasa 1,319 committee report naman ang nahain sa nabanggit na panahon.
Sa loob ng 178 session days, naiproseso ng Kamara ang 4,760 panukala o average na 12 panukala kada sesyon.
Bukod sa pagpasa ng mga panukalang batas, nagsagawa rin ng imbestigasyon ang Kamara upang mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno na mali ang ginagawa.
Pinagtibay nito ang siyam na committee report mula sa mga isinagawang imbestigasyon, na nagpatibay sa pagiging isang guardian ng public trust ang Kamara.
“We are not just legislators; we are guardians of public trust. Every inquiry conducted, every recommendation adopted, ensures that governance is rooted in integrity and service to the people,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Ang kolaborasyon ng Kamara sa Senado ay isa rin umanong susi sa naging tagumpay nito.
“Our synergy with the Senate ensures that the laws we pass are practical, implementable, and responsive to the needs of the people,” punto ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Sa pagpasok ng Kamara sa huling yugto ng 19th Congress, nangako si Speaker Romualdez na ipagpapatuloy ang ginagawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“This Congress will be remembered as one of decisive action, unwavering unity, and transformative legislation,” sabi ng House chief.
“We will not rest until every Filipino feels the impact of the progress we are creating—until we achieve a nation that is truly inclusive and empowered,” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, naipakita ng Kamara na ito ay isang haligi ng integridad, inobasyon at mga resulta.
Ang naabot nitong tagumpay ay magsisilbi umanong pamana at patunay sa mahalagang papel na ginagampanan ng lehislatura sa paghubog ng isang matatag at inklusibong Pilipinas.