CamSur

Saints magpapakitang gilas sa CamSur

Robert Andaya Mar 27, 2025
129 Views

SISIMULAN ng NAASCU champion St. Clare College ang bagong yugto sa kanilang matagumpay na basketball program sa gagawing paglahok sa first Gov. Luigi Villafuerte Cup basketball championship sa La Fuerte Sports Complex sa Pili, Camarines Sur simula March 31.

Ang Saints, na gumawa ng kasaysayan matapos masungkit ang kanilang ika-pitong sunod na titulo sa NAASCU mula 2016 hanggang 2024, ay susubok sa kanilang bagong team, na naghahanda sa 2025 NAASCU season sa Oktubre.

Hindi na makakasama ang nucleus ng last year’s champion team, tulad nina 2024 Finals MVP Ahron Estacio at Senegalese center Babacar Ndong.

Subalit tiniyak pa din nina NAASCU president at St. Clare Vice President for Administration Dr. Ernesto Jay Adalem at head coach Jino Manansala na mananatiling competitive ang team, na pinangungunahan na ngayon ni last year’s Rookie of the Year JB Lim.

Si Lim, na dating UST Tiger Cub, ay maaalala sa kanyang mahusay na paglalaro na kung saan gumawa aiya ng seven points, six assists, at five rebounds sa 62-54 panalo ng St. Clare laban sa Our Lady of Fatima University sa finals.

Ang iba pang holdovers ayvsina Klint Manzano, Aljohn Loyola, Leenard Desabelle at Lex Gazzingan.

Makakatulong ni Manansala ang kanyang ama, si PBA legend Jimmy Manansala.

Ang ba pang mga kalahok na teams sa week-long competition nz itinataguyod ng Armstrong Philippines sa pakikipagtulungan ng Camarines Sur local government sa ilalim ni Gov. Villafuerte, ay ang Kuala Lumpur Hornbills ng Malaysia, NCAA team University of Perpteual Help System Dalta at host CamSur Express.