Calendar

SALPUKAN NG VAN AT TRUCK, 4 PATAY, 13 SUGATAN
APAT ang patay habang 13 ang sugatan sa salpukan ng van at truck nitong Linggo sa General Santos City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Rasol Angkop Adam, driver ng van at mga pasaherong sina Mila L Kanapia, Mambai Adam Dimaraw at Mora Butuan Salilaguia.
Isinugod naman sa pagamutan ang mga 13 pasahero ng van at truck.
Kabilang sa mga nasugatan sina Baimon Alang Cusain, Corazon Abas Abdulgani, Noraina Caron, Norma Basandaran, Annie Dumamba, Narinan Rascal, Armina Sacandal, Harvey Nagalon Collado, Regine Collado, Princess Helen Collado, Angel Collado, at Elishgive Collado.
Batay sa ulat ng General Santos Traffic Enforcement Unit, naganap ang aksidente dakong 2:40 ng hapon sa Makar-South Cotabato road sa Barangay Apopong.
Binabaybay ng dalawang sasakyan ang magkaibang direksyon ng highway nang biglang pumaling sa kabilang linya ang van at samalpok sa kasalubong ng truck.
Dahil sa lakas ng impact ng banggaan , nawasak ang unahan ng van na naging sanhi ng pagkasawi ng apat na tao kabilang ang driver nito at pagkakasugat naman ng siyam pang pasahero ng van at apat na tao mula sa truck.
Agad namang rumesponde ang mga rescuer mula sa City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP) rescue unit, at TEU upang isugod sa ospital ang mga sugatan.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.