Calendar
Sam sa breakup kay Catriona: It’s been rough
Hindi napigilang maging emosyonal ni Sam Milby nang mapag-usapan ang breakup nila ni Catriona Gray.
Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nag-breakdown ang aktor at inaming hindi naging madali ang kanilang paghihiwalay.
Tinanong ni Boy Abunda kung paano nakakaapekto sa kanya ang breakup with Catriona at kung paano niya ito na-handle.
“Honestly, not well,” pag-amin ni Sam.
Dagdag ng aktor, ayaw niya sanang pag-usapan ang breakup nila ni Cat pero kinailangan niyang sagutin ang issue ng third party kay Moira dela Torre kaya nagpa-interview siya para linawin ang maling tsismis.
“Sa amin ni Cat, we’ve always been private about our relationship and out of respect sa kanya, I still don’t feel comfortable taking about our relationship,” aniya.
Sinabi naman ni Kuya Boy na may mga nagsasabi na madali siyang naka-move on sa breakup kaya nais niyang marinig ang kwento ni Sam.
Anang aktor, “It’s been rough. No breakup is easy and it’s really been rough. I mean, it wasn’t only mag-boyfriend-girlfriend kami, we were engaged. And to have that not pushed through, it’s been really rough, honestly.”
At this point ay naging emosyonal na si Sam at napatigil sandali sa pagsasalita hanggang sa napahagulgol na.
“I didn’t expect to be emotional right now,” umiiyak niyang wika, “I’m sorry, it’s a hard subject that I just don’t want to talk about it. But if people think that it’s pretty easy for me, it hasn’t.”
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Sam at wala nang nasabi kundi “I’m not an emotional person. That’s why it’s… I don’t wanna go into details and the more you talk about any issue, mas maraming bala ‘yung mga tao to use against you.”
Dagdag pa niya, “I have so much love and respect on both sides, I wanna believe but it hasn’t been easy at all.”
Binanggit naman ni Kuya Boy ang tungkol sa pag-iyak ni Catriona sa isang song ni TJ Monterde sa Araneta concert nito kamakailan. Nakunan ito ng video at naging viral.
Nasa nasabing concert din si Sam at hindi kalayuan ang agwat ng kinauupuan nila ni Catriona.
Sinabi ni Kuya Boy na nakunan din ng video si Sam at dito nanggaling ang espekulasyon ng mga tao na naka-move on na siya samantalang si Catriona ay hindi pa.
Inamin ni Sam na hindi rin naging madali para sa kanya ang makitang umiiyak ang ex-fiancee.
“I didn’t know TJ, first off, he has beautiful songs. I didn’t know na ganu’n ‘yung mga songs niya and it’s kind of… yeah. It was such a beautiful concert but it was really hard.
“A woman that I still love and care about, I see a few seats away from me, is crying. Beautiful songs. And I didn’t know how to react. Like I said, I really don’t feel comfortable talking about details about that but if people thought that I was comfortable, I was… complete opposite, I was not comfortable during that concert.
“And it’s something that should be celebrated because it was a beautiful concert, my best friend was directing, John Prats. But it was a hard situation and I was kind of frozen at that time. Yeah, it wasn’t easy at all,” pahayag ni Sam.
Klinaro rin ng award-winning TV host kay Sam kung nasa point ba siya na nakikipag-ayos kay Catriona o kung nalampasan na ba niya ang puntong ito.
Pinauna naman ng host sa aktor na pwedeng hindi niya ito sagutin.
“I’m sorry, Tito Boy, I can’t answer it,” sey ni Sam.
Nirespeto naman ito ni Kuya Boy.