Tancontian Tancontian

Sambo, lalo pang palalawigin

432 Views

ILULUNSAD ng Pilipinas Sambo Federation (PSF) ang ilang pamamaraan upang palawigin at itaguyod ang kaalaman ng mga Filipino sa pampalakasan kabilang ang Fitness Sambo Guide Book ngayong araw sa Mixed Temptation Chinese Restaurant sa Phoenix Complex Lanang sa Davao City.

Pangungunagan ni Sambo President Paolo Tancontian ang ‘grand launching’ ng naturang libro na naglalaman ng mga kaalaman, techniques, exercises at lahat ng kailangang matutunan patungkol sa naturng sports upang mas mapalapit pa sa mga kabataan sa iba’t ibang komunidad higit na sa mga eskwelahan at unibersidad sa buong bansa.

“We want to propagate and develop our sports and programs to different sectors, schools and other areas in the country para naman maging continuous ang ating mga programa at makapaghikayat pa kami ng mas maraming matuto at sumali sa aming sports,” paliwanag ni Tancontian, kung saan makakasama niya sa naturang event sina Roger P. Dialogo, MAPEH/SPA

Department Head ng Sta. Ana National High School at dating SEA Games at Palarong Pambansa Technical Official; Nicole Hao Bian, President ng Education Development ng Joji Ilagan International Schools sa Davao City; Arch. Michaelangelo Dakudao, lifestyle columnist ng Mindanao Times, Sambo national head coach Ace Larida at Davao-based team at si Atty. Migs Nograles bilang special guest.

Sinabi ng dating SEA Games medalist at many-time national Judo champion na kabilang rin sa mga pamamaraan nila upang mas mapalaki pa ang kanilang grassroots program sa panahon ng nararanasang coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay ang pagpapakalat ng mga libro hinggil sa Sambo na may kalakip na USB device kung saan mapapanood ang mga workouts at trainings patungkol sa kanilang sport na magagawa sa loob ng kanilang mga pamamahay.

“The book also contains a USB which includes different information and learning tools about Sambo. It’s like an instructional video with variety of physical exercises and instructions that started with basic techniques up to the advance lessons,” wika ni Tancontian.

Magiging pangunahing tampok sa naturang instructional video si 2019 SEA Games Combat Sambo gold medalist at UFC fighter Mark “Mugen Striegl at national team member Troy Legaspi na ipapakita ang iba;t ibang uri ng exercises at techniques patungkol sa Sambo.

Noong Hulyo 2021 ay inanunsyo ang pagiging parte ng larong Sambo sa 2028 Los Angeles Olympics matapos makakuha ng pagpayag mula sa International Olympic Committee (IOC), kasama ang

Muay Thai at Kickboxing. Dahil dito, inihahanda na ni Tancontian at ng kanyang grupo ang mahabang proseso at preparasyon sa pagbuo at pagpapalakas ng mga atleta nito sa darating na Summer Olympic Games.

“Medyo kakaunti pa lamang ang mga atleta namin, that’s why we started to release the e-books and videos para ipakilala sa mga tao ang Sambo. We will try to bring the sport sa DepEd

(Department of Education), sa UAAP, NCAA kasi kasama sa University Games (Universiade) ang aming sport,” wika ni Tancontian, kung saan unang nabuo ang Sambo sa bansa sa Davao City.

“We are hoping na mabigyan tayo ng chance to be part ng collegiate leagues sa bansa.” EA