Pilipinas Sambo

Sambo tuloy ang laban kahit wala sa SEA Games

Robert Andaya Mar 11, 2022
545 Views

HINDI man nakasali sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, magiging abala pa din ang Pilipinas sa sport na sambo ngayong taon.

Ilang malalaking international tournaments ang nakatakdang lahukan ng Pilipinas Sambo Federation, Inc. (PSFI), na kung saan inaasahan pang magpapalawak ng kaalaman ng mga Filipino sa naturang combat sport mula Russia.

Ayon kay PSFI president Paolo Tancontian, magdaraos din ang bansa ng isang prestihiyosong kumpetisyon, na inaasahang lalahukan ng US, France, Netherlands, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand at iba pa.

Ang naturang sambo competition ay inaasahang gaganapin sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

“Sa ngayon, madami na ang nagpahayag ng interes na pumunta dito sa atin at lumahok, lalo na ang mga Europeans, ” pahayag ni Tancontian, na dating judo medalist sa SEA Games.

“We will send invitations by October. Hopefully, madami ang makalahok. Mas madami mas maganda para sa mzs maitaguyod natin ang sambo, lalo na sa mga kabataan,” dagdag pa ni Tancontian.

‘Sana lang tuloy-tuloy na gumsnds na ang sitwasyon nsgin at magluwag na. This will be our first project na tututukan ngayong taon.

Nagpasalamat din si Tancontian sa patuloy na suporta nina.bsgong talagsng Civil Service Commission (CSC) Chaimam Karlo Nograles, na siya ring chairman ng PSFI, Atty. Migs Nograles ng PBA party list

Ang iba pang pinaghahandaan ng national sambo team ngahong taonay ang Paris Sambo Grand Prix Tournament sa Mayo, Asian Open Sambo Cup sa Indonesia sa Hulyo, Asian Sambo

Championship sa Lebanon sa Agosto at Asian Indoor Martial Arts Games sa Nobyembre.

Ang ilan sa mga inaasahang sasabak sa mga international tournaments ngayng taon ay sina five-time World Sambo bronze medalist at 2019 Asian Championship titlist Sydney Sy Tancontian, SEA

Games gold medalists Chino Sy Tancontian at UFC fighter Mark Striegl.

Nagwagi ng two golds, one silver at three bronzes ang Pilipinss sa nakalipas na sambo compdtitions na 30th SEA Games na ginawa sa Manila nung 2029.

Pero hindi isinama ng host Vietnam ang sambo sa gagawing mga laro ngayong 31st SEA Games sa Hanoi sa Mayo 12-23.