PCAP

San Juan chessers umariba

Ed Andaya Apr 19, 2024
622 Views

NAGPAMALAS ng kakaibang lakas ang two-time champion San Juan Predators upang durugin ang mga Southern Conference rivals Davao Eagles, 17.3-3.5, at Surigao Fianchetto Checkmates, 14-7, at agawin ang solong liderato sa 2024 PCAP All-Filipino Conference chess team championships kamakailan.

Namuno sa panalo sina GM Rogelio Barcenila, Karl Victor Ochoa, WIM Jan Jodilyn Fronda at IM Ricardo de Guzman para sa San Juan, na umabante sa 11-1 win-loss record sa 18-team, two-division tournament na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Ayala Lands at PCWorx.

Itinumba ni Barcenilla sina Sander Severino ng Davao , 2-1, at Rolando Nolte ng Surigao, 2-1; pinadapa ni Ochoa si Arnel Aton, 3-0; winalis ni Fronda sina Karen Enriquez, 3-0, at Lorebina Carrasco, 3-0; at iginupo ni De Guzman sina.Alex Lupian, 3-0, at Cyril Ortega, 3-0, para sa Predators nina PCAP Chairman Michael Angelo Chua at coach Hubert Estrella.

Ang back-to-back victories ng San Juan ay naging magandang follow-up sa kanilang naunang 15.5-5.5 panalo sa Iloilo Kisela Kinights, at 20-1 panalo sa Mindoro Tamaraws nung April 13.

Hindi din nagpahuli ang Cavite Spartans at Pasig Pirates, na kapwa namayani laban sa kani-kanilang mga katunggali upang manatili sa ikadalawa at ikatlong pwesto tangan ang 10-2 win-loss record.

Binigo ng Cavite ang Surigao, 13.5-7.5, at Arriba Iriga, 20.5-.5, habang pinubos ng Pasig ang Mindoro,19-2, at Davao, 14.5-6.5,

Nanguna para sa Cavite laban sa Surigao sina Kylen Mordido, GM Rogelio Antonio, Daniel Quizon at Alexis Maribao.

Sina Kevin Arquero, Rommel Ganzon, Marie Antoinette San Diego at Antonio naman ang namuno sa panalo ng Cavite laban sa Iriga.

Samantala, sina Idelfonso Datu, Sherly Cua, Cris Ramayrat, Jerome Villaneuva at Eric Labog ang nagdala ng laban ng Pasig kontra Davao.

Ang PCAP, ang una at natatanging professional chess league sa bansa, ay pinamumunuan nina President- Commissioner Atty. Paul Elauria.

Ang kumpetisyon ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Ayala Land at PCWorx at binabasbasan ng Games and Amusements Board (GAB), sa ilalim ng liderato ni Chairman Atty. Richard Clarin.

Ang mga laro ay ginaganap tuwing Wednesday at Saturday.

Standings

Northern Conference

San Juan 11-1; Cavite 10-2, Pasig 10-2; Manila 9-3; Cagayan 6-6; Isabela 5-7; Rizal 4-8, Quezon City 4-8; Olongapo 0-12

Southern Conference

Toledo 10-2, Camarines 10-2, Iloilo 7-5,
Davao 7-5; Tacloban 6-6; Surigao 5-7; Negros 2-10; Iriga 1-11, Mindoro 1-11