61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Calendar
Provincial
Sandamakmak na boga, droga nakumpiska sa Calaca
Jojo Cesar Magsombol
Dec 14, 2025
543
Views
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Lungsod ng Batangas–Sandamakmak na baril, bala at shabu ang nasamsam noong Sabado sa isang bahay sa Brgy. Lumbang na Matanda, Calaca City, Batangas, ayon kay Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo.
Hinalughog ang bahay ni alyas Theo, 45, sa tulong ng search warrant na inisyu ng Executive Judge ng Regional Trial Court Branch 9 ng Balayan, Batangas para sa paglabag sa RA 1059.
Tumambad sa mga pulis ang isang cal .38 revolver, cal .22 rifle, 9MM pistol, airgun, magazine para sa 9MM pistol, mga bala para sa cal 38; 29 na bala
para sa 9MM pistol at isang bala para sa shotgun. Hindi naman nahuli si alyas Theo, ayon sa report.
Nakumpiska rin ang humigit-kumulang 16 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P108,800.
61 Pugante, Huli sa CALABARZON
Oct 11, 2026
Mag-jowa tiklo sa Batangas; P1M shabu, boga kubra
Oct 10, 2026
Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan
Oct 10, 2026
7TH MOBILE CLINIC NG SM FOUNDATION
Oct 10, 2026
2 LPA binabantayan, bagyo nasa labas ng PAR
Oct 10, 2026
Karagatan ng Batangas niyugyog ng M3.8 na lindol
Oct 10, 2026

