Sandro

Sandro nagbigay ng mahabang tribute sa ina

Vinia Vivar Sep 24, 2024
4 Views

Isang napakagandang surpresa ang ibinigay kay Sandro Muhlach ng kanyang inang si Edith Millare.

Mula sa Amerika, kung saan ito naninirahan, umuwi ng Pilipinas si Edith at hindi niya ito ipinaalam kay Sandro bilang surpresa.

Makikita sa video na ipinost ni Sandro sa Instagram na gulat na gulat siya nang makita ang ina.

Nasa isang restaurant ang young actor nang biglang may mga kamay na nagtakip ng kanyang mga mata. Panay ang tanong niya kung sino ito at nang alisin nga ang takip ay tumambad sa kanya ang ina.

Ang sumunod na mga tagpo ay ang touching reunion ng mag-ina. Ang tagal nga bago naka-recover ni Sandro. Tulala pa rin siya even after magyakap sila ng kanyang nanay.

Makikita ring pareho silang naging emotional sa kanilang pagkikita.

Bale ba ay kaarawan ni Edith kaya pinasalamatan ni Sandro ang ina sa pagdating nito at binigyan niya ito ng mahabang tribute sa caption.

“Mama you are the strongest woman I know, and I am so lucky to have you as my mom. Your love and kindness mean more to me than you know,” simula ni Sandro.

Pinasalamatan niya ang ina for being there sa isa sa pinakamabigat na pagsubok ng kanyang buhay. Sinabi rin niyang malaking bagay ang tulong ng kanyang ina sa kanyang trauma.

“Thank you for being there for me during one of the hardest times in my life. Your love, care, and presence meant more to me than I can ever fully express. When I felt overwhelmed by my trauma, you were a constant source of strength and comfort,” he said.

“I’m still finding my way, but I feel stronger knowing that I have you by my side. I hope you know how much I appreciate everything you’ve done not just during this time, but always. Thank you for surprising me even its your birthday. Your the best mom i could ever ask for,” patuloy pa ni Sandro.

“I love you more than words can express. Happy Birthday Mama!” pagtatapos na mensahe ni Sandro sa kanyang momshie.

Sa mga hindi nakakaalam, si Edith ang ex-wife ni Nino Muhlach at kaisa-isa nilang anak si Sandro.

Hindi kaila sa lahat na may legal battle na hinaharap si Sandro ngayon and for sure, malaking suporta sa aktor ang pagdating sa bansa ng kanyang ina.