Sandro

Sandro tiniis ang online bullying

Vinia Vivar Nov 1, 2024
71 Views

Nagbigay ng pahayag si Sandro Muhlach tungkol sa kanyang pinagdadaanan ngayon.

Sa kanyang Instagram Story ngayong Huwebes ay sinabi ng anak ni Niño Muhlach na hindi madali sa kanya ang lumantad at isapubliko ang naranasang pang-aabuso.

“It was very difficult for me to tell my story — to come forward and tell the public that I was sexually assaulted and abused,” aniya.

Ibinahagi rin niya ang kanyang mga tiniis kaugnay ng pangyayari, kabilang na ang trauma at online bullying.

“Yung mga kinakatakutan mangyari ng mga biktima, nangyari sa akin. In addition to the trauma that I suffered from being sexually assaulted and abused, I also had to endure online bullying and harsh and cruel criticisms,” he said.

Inalala ng newbie actor na pinalabas pa siyang sinungaling ng ibang tao. Pero hindi raw siya nawalan ng pag-asa at nagtiwala sa ating justice system.

“Napakadaming masasakit na salita ang sinabi tungkol sa akin, at pinipilit na ako pa raw ang nagsisinungaling dahil wala akong ebidensya.

“But I did not lose hope. And finally, our justice system has acknowledged the truth,” ani Sandro.

Kahapon ay sinampahan na ng Department of Justice (DoJ) ng mga kasong rape through sexual assault at acts of lasciviousness ang dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz dahil umano sa pang-aabuso kay Sandro.

Kaya naman payo ng anak ni Niño sa mga katulad niyang biktima ng rape at sexual abuse na huwag matakot at matuto ring lumaban.

“For all the rape and sexual abuse victims out there, ‘wag nating hayaang manalo ang mga nagsamantala at bumaboy sa atin.

‘Wag nating hayaan na patahimikin nila tayo. Tayo ang biktima. Tayo ang inabuso. Tayo rin ang papanigan ng katotohanan,” ang payo ni Sandro.