Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Metro
Sanggol na patay natagpuan sa washing machine
Melnie Ragasa Jimena
Feb 13, 2025
109
Views
ISANG patay na sanggol na lalaki ang natagpuan sa loob ng washing machine sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City noong Miyerkules.
Batay sa report, bandang alas-12:00 ng hatinggabi nakita ang patay na sanggol.
Ayon sa saksi, nilapitan siya ng isang babae upang humingi ng tulong dahil nakunan daw siya.
Gagamit daw umano siya ng banyo nang biglang lumabas ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Nagtungo ang saksi sa nasabing palikuran at nakita ang sanggol na nasa palanggana na nasa washing machine.
Dito na humingi ng tulong ang saksi sa mga barangay officials ng Barangay Damayang Lagi habang dinala sa East Avenue Medical Center (EAMC).
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025