Valeriano

Sapat na gov’t funding para sa improvement ng PH sports iginiit

Mar Rodriguez Sep 6, 2023
154 Views

IGINIGIIT ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV M. Valeriano na kailangang magkaroon ng sapat na government funding para sa development at improvement ng Philippine sports para maging competitive ang mga Pilipinong atleta.

Bagama’t nakasungkit ng nag-iisang panalo ang GILAS Pilipinas laban sa koponan ng China sa kasalukuyang 2023 FIBA World Cup. Ngunit naniniwala si Valeriano na kinakailangan pa rin ang ayuda at sustento mula sa pamahalaan para tustusan ang mga pangangailan ng Philippine sports.

Binigyang diin ni Valeriano na matagal na umanong problema ng Philippine sports ang kakulangan ng sapat na pondo o inadequate government funding para suportahan at tustusan ang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipinong atleta bukod pa ang problema sa kawalan ng sapat na pasilidad.

Ayon kay Valeriano, panahon na para tuldukan ang sina-una at matagal ng problema patungkol sa kakulangan ng sapat na pondo para sa mga pangangailangan ng mga Pinoy athletes sa pamamagitan ng paglalaan ng nararapat na ayuda at suporta na nakapaloob sa tauang budget.

Ipinaliwanag ng kongresista mayroon man pondong nakalaan para sa Philippine sports subalit lumalabas na kulang pa rin ito. Sapagkat kitang-kita sa mga kasalukuyang kaganapan na kulang na kulang talaga aniya budget na inilalaan ng pamahalaan para sa mga Filipino athletes.

Sinabi ni Valeriano na dapat tularan ng Pilipinas ang iba mga bans ana katulad ng Thailand at Singapore na naglalaan ng napakalaking pondo o namumuhunan ng husto sa kanilang sports development. Kung kaya’t napaka-competitive ng kani-kanilang atleta sa mga nilalahukan nilang international competition.

Kasabay nito, nananawagan din si Valeriano sa mga kapwa nito kongresista para muling suriin at magsagawa ng re-examine upang rebisahin ang Republic Act No. 6847 na siyang sumasaklaw sa Philippine Sports Commission (PSC) para makatugon sa mga pangangailan ng mga Pinoy athletes.

Sent from Yahoo Mail on Android