NBI “Gagawin po ng NBI ang lahat ng hakbang para matunton ang identity nito, kasama ang pag-issue ng subpoena kay Vice President Sara na humarap sa NBI para bigyang kaliwanagan ang kanyang mga pananalita,” pahayag ni Andres.

Sara ipatatawag ng NBI

Chona Yu Nov 25, 2024
40 Views

IPAPA-SUBPOENA ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte.
Ito ay para bigyang linaw ang banta na ipapatay sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, ipadadala ang subpoena Nobyembre 26.

Ayon kay Santiago, may limang araw si Duterte na lumutang sa NBI.

Sinabi naman ni Santiago na walang kapangyarihan ang kanilang hanay na i-cite in contempt si Duterte kung hindi lulutang sa kanilang tanggapan sa susunod na limang araw.

Ayon kay Santiago, inumpisahan na ng NBI ang imbestigasyon sa kill order ni Duterte.

Sumulat na aniya ang NBI sa pamunuan ng NBI para i-preserve ang video clip ng pagbabanta ni Duterte.

Sa inisyal na imbestigasyon aniya ng NBI, hindi AI, hindi deep fake kundi totoo ang video clip ni Duterte.

Sinabi naman ni Justice Undersecretary Jesse Andres na agad na aarangkada ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon at gagamitan ng full force of the law.

“Ang imbestigasyon po na gagawin ng gobyerno ukol sa bagay na ito ay agaran. Importante pong malaman kung ano ang mga naging hakbang para kumuha ng serbisyo ng isang mamamatay tao na nagpaplano ng masama sa ating Mahal na Pangulo,” pahayag ni Andres.