Discaya1

Sarah Discaya: Maraming pakikinabangang serbisyo sa P9.6B pono

20 Views

INILAHAD ni Pasig City Mayoralty candidate Sarah Discaya ang kaniyang sampung major projects na kanyang pondohan ng P9.6 billion.

Ayon kay Discaya, sa halaga ng ponding P9.6 billion kayang magpagawa ng bagong City Hall Building (P2.7 billion); isang unit ng bagong 11-storey hospital (P500 million); limang units ng bagong 11-storey housing buildings (P2 billion; bagong 11-storey University Building (P500 million); limang unit ng bagong seven-storey high school buildings (P500 million); limang unit ng bagong four-storey elementary school buildings (P500 million) dalawang bagong tulay (P300 million);10 units ng three-km roads sa Bgy. Pinagbuhatan (P100 million); three-km drainage & flood control sa Bgy. Pinagbuhatan (P100 million at; 30 na bagong multi-level multi-purpose halls & covered courts (P1.5 billion).

Ayon kay Discaya, mas maraming pakikinabangang serbisyo ang mga mamamayan sa halagang P9.6 billion na budget.

Ang bagong City Hall Building ay pakikinabangan ng lahat ng residente, ang bagong ospital ay pakikinabangan ngmahihirap na pamilya na hindi kayang makapagpagamot, ang housing buildings ay para magkaroon ng tahanan ang mga informal settlers sa Pasig, habang ang mga school buildings ay para sa mga mag-aaral.

Ang mga bagong tulay at lansangan ay pakikinabangan ng mga motorista at residente at ang drainage at flood vontrol ay importante lalo na sa mga bahaging lugar sa lungsod.

Tiniyak ni Discaya na sakaling siya ay palarin, epektibo niyang gagamitin ang pondo ng LGU at nangako din ito ng transparency gaano man kaliit o kalahi ang halaga ng ponding ilalaan sa bawat proyekto.