Sarah

Sarah: Salamat kay Ralp muling nakilala ang Maybe This Time

Vinia Vivar Sep 5, 2024
40 Views

NAGPAPASALAMAT si Sarah Geronimo sa TikTokerist na si Ralp Xyriel Villaruz dahil pinasikat nitong muli ang cover song niyang “Maybe This Time.”

Sa isang video na napanood namin sa X (dating Twitter) ay ipinaabot niya ang personal na pasasalamat kay Ralp.

“Salamat kay Ralp dahil muling nakilala ang awitin nating ‘Maybe This Time,’” aniya sa gitna ng mga taong dumudumog sa kanya na kuha sa isang recent event.

Makikita rin sa video na katabi ni Sarah ang mister na si Matteo Guidicelli.

Mensahe pa ng Popstar sa estudyantent TikTokerist, “See you soon, Ralp!”

Kamakailan lamang ay nanawagan si Ralp sa “Showtime Online U” kina Sarah at Matteo na baka pwedeng maka-collab niya ang singer at sayawin nila nang sabay ang trending “Maybe This Time” dance craze.

“Miss Sarah, let’s collab soon,” panawagan ni Ralp.

Sa mensahe ni Sarah sa video para kay Ralp na “see you soon,” mukhang matutupad na ang hiling ng TikTokerist at ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang.

Anyway, sa mga hindi pa rin nakakaalam, si Ralp ang nagpauso ng viral “Maybe This Time” dance challenge sa TikTok.