Saranggani niyugyog ng 5.1 na lindol

Jun I Legaspi Feb 12, 2022
261 Views

YINUGYOG ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsiya ng Saranggani Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Umaabot naman ang sentro ng lindol sa may 49 kilometro ng timog kanluran ng Kiamba, Sarangani at umaabot sa 24 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol.

Naramdaman naman ang pagyanig na ito sa Saranggani sa lakas na Intensity IV sa Kiamba at Maitum, Sarangani – Intensity III sa General Santos City; Zamboanga City,;Cotabato City; Maasim, Sarangani; Norala, Tupi at Lake Sebu, gayundin sa South Cotabato.

Tectonic ang pinagmulan ng naturang pagyanig.