Arrested

Sasakyan sumalpok sa carinderia; 1 utas, 1 sugatan

180 Views

DEDO ang isang lalaki at sugatan ang isa pang biktima noong Huwebes nang masalpok ng sasakyan sa Balayan, Batangas.

Ayon sa report, patay si alyas “JP” habang sugatan si alyas “Fortu.”

Naaresto ang drayber ng rumaragasang sasakyan na si alyas “Alex,” ayon sa report.

Base sa imbestigasyon, patungong Taal, Batangas, ang sasakyan ni Alex nang sumabog ang kanang gulong sa harap nito kaya nawalan ng kontrol ang drayber.

Bumangga ito sa nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada kaya’t bumangga rin ito sa karinderya at natumbok ang dalawang lalaki na nakatayo sa gilid.

Idineklarang patay na si alyas “JP” pagdating sa ospital.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to property.

Tiniyak ni Batangas Police Director P/Colonel Geovanny Sibalo na makakamit ng mga biktima ang hustisya.