Madrona

Sawang-Macalas gawing ‘national road’ — Madrona

Mar Rodriguez Oct 7, 2022
156 Views

NANINIWALA ang isang kongresista na magkakaroon ng malaking progreso sa kaniyang lalawigan sakaling mailipat na bilang “national road” ang kalsada ng Sawang-Macalas sa Munisipalidad ng Romblon dahil mas magiging madali umano ang daloy ng negosyo dito.

Sinabi ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na isinulong nito sa Kamara de Representantes ang House Bill No. 1028 na naglalayong mailipat bilang national road ang Sawang-Macalas.

Ipinaliwanag ni Madrona na malaki ang magiging pag-unlad ng kanilang lalawigan sakaling tuluyan ng gawing national road ang Sawang-Macalas sapagkat lalo pa aniyang magiging madali ang daloy ng negosyo sa lalawigan sa larangan ng pagbibiyahe o transportasyon.

Ayon kay Madrona, hindi na umano mahihirapan ang mga nagne-negosyo sa Romblon upang ibiyahe ang kanilang mga producto o ang mga tinatawag na basic commodities at basic goods.

Kabilang na ang pagbubukas ng malaking oportudidad sa iba pang negosyo.

Dahil dito, naniniwala ang mambabatas na mas lalo pa nitong pasisiglahin ang mga negosyo sa Romblon sa gitna ng dalawang taong pamumuksa ng COVID-19 pandemic sa Rmblon. Kung saan, marami aniyang negosyo ang nalumpo dulot ng pandemiya.

“It shall likewise promote livelihood opportunities, encourage competitive flow of investments and ultimately enhance the economic and social living conditions not just the people living along such roads but to the province of Romblon as a whole,” sabi ni Madrona.

Binigyang diin ng kongresista na ang pagpapalipat sa nasabing kalsada bilang national road ang magbibigay daan din upang muling makabangon ang turismo sa Romblon na isa rin sa malubhang naapektuhan ng dalawang taong pandemiya sa Pilipinas.

“Malaki ang maitutulong nito para muling sumigla ang turismo sa Romblon. Alam naman natin na ang Tourism ang isa sa mga malubhang naapektuhan ng pandemiya kaya kailangan talaga ay pagsikapan natin na mailipat ito sa national road,” dagdag pa ni Madrona.