Cybercrime

SC: Mapanirang social media post mapananagot sa ilalim ng Cybercrime law

166 Views

KASONG paglabag sa Cybercrime Prevention Act at hindi libel case umano ang kakaharapin ng mga nagpo-post ng mapanirang komento sa social media, ayon sa Korte Suprema.

Sa 18-pahinang desisyon, kinatigan ng SC Second Division ang petisyong inihain ni Jaannece Peñalosa at pagtibayin ang pagbasura sa inihaing kasong libelo laban sa kanya.

“[A]n allegedly libelous Facebook post made may only be punishable under the Cybercrime Prevention Act, not under Article 355 of the Revised Penal Code,” ayon sa desisyon ng Korte.

Nauna rito, binaliktad ng Court of Appeals ang naging desisyon ng trial court na nagbabasura sa kasong libelo na isinampa laban sa kanya.

Ayon sa CA, ang libelous Facebook post ay ginawa noong 2011 bago pa naisabatas ang Cybercrime Prevention Act of 2012 kaya pinarurusahan ito sa ilalim ng Article 355 ng Revised Penal Code (RPC).

Pero ayon sa SC, kung susundan ang desisyon ng CA hindi saklaw ng libel law ang Facebook o internet post.

Sinabi ng SC na kung totoo na saklaw na ng libel law ang post sa internet hindi na umano sana kinailangan pang gumawa ng bagong batas ng Kongreso.

“To make cyber libel punishable under Article 355 of the Revised Penal Code is to make a penal law effective retroactively but unfavorably to the accused,” sabi pa ng SC.

Sinabi rin ng SC na walang ginawang maituturing na gravely abuse discretion ang hukom sa trial court na nagbasura ng kasong libelo.