SCC Southern City Colleges players.

SCC sumikwat ng basketball gold

137 Views

ZAMBOANGA City — Nagpakitang gilas sa ang Southern City Colleges matapos tambakan ang Western Mindanao State University, 108-42, at sikwatin ang korona sa men’s 5×5 Basketball ng 2nd Philippine ROTC Games 2024 Mindanao Qualifying Leg, kahapon sa University of Zamboanga – Summit Centre.

Maagang ipinaramdam ng SCC cagers ang kanilang lakas nang hawakan agad ang 48-point lead, 67-19 sa unang dalawang periods kaya naman hindi ito nahirapan para sungkitin ang gold meda.

Kuminang naman sa Philippine Army men’s basketball ang Josefina Cerilles State College matapos kalusin ang Southern City Colleges, 92-60.

Diretso sa national finals sa Indang, Cavite sa Agosto ang basketball teams ng SCC at JCSC para puntiryahin ang ginto sa event na pinasimunuan ni Senator Francis “Tol” Tolentino at katuwang ang Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Richard Bachmann sa pag organisa.

Matinding buntalan naman ang nasaksihan sa Philippine Army boxing event kung saan ay nasikwat ni Rolando Evangelista ng Jose Rizal Memorial State University – Tampilisan ang gintong medalya sa men’s 51-54 kg Bantamweight.

Nasapol naman ni Rey John Paul Apale ng Makilala Institute os Science and Technology ang gold medal sa 54-57 kgs. Featherweight matapos gulpihin si Ian Jeffer Banyogan ng PHINMA –

Cagayan De Oro College, nakopo ng huli ang silver medal.

Ang ibang boksingero ng Army na nakakuha ng gold ay sina Joebert Yacapin ng PHINMA – Cagayan De Oro, (57-60kgs. Lightweight) at Wilmark Agosto ng La Salle University (60-63.6kgs Light Welterweight).

Si Gabriel Gonzales ng Western Mindanao State University naman ang naka ginto para sa Philippine Air Force sa (60-63.6kgs Light Welterweight).

Sa women’s arnis, kumalawit ng gintong medalya para sa Air Force sina Bernalyn Jhoy Nicdao (Featherweight), Sarah Oraciano (Lightweight) at Maricar Cautivar (Welterweight), lahat nag-aaral sa Western Mindanao State University.

Mga naka gold sa men’s side ng PAF, ay sina Rene Callora (Featherweight) at Oscar Tiu III (Lightweight) na mga taga WMSU at Leoter John Tigo (Welterweight) ng Southern City Colleges.

Pumitas naman ng ginto sa women’s table tennis singles sina Kyla Crizz Pabico ng Holy Trinity College (army) at Roxette Enriquez ng Souhern City Colleges (PAF).

Ngayon ang huling araw ng nasabing multi-sports kompetisyon na para sa mga kadete mula sa Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy.