Vergeiri

Scholarship gagamitin sa pagpaparami ng nurse, medical workers sa bansa

198 Views

Posible umanong damihan ng Marcos administration ang scholarship para sa mga nais na maging nurse at iba pang medical courses upang dumami ang mga health care professionals sa bansa.

Iniumang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ideya sa kanyang pakikipag-usap sa mga miyembro ng health care cluster ng Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malacańang.

Ayon sa PSAC maraming nurse ang umaalis sa bansa dahil sa mas mataas ang sahod na ibinibigay abroad.

Kung makakapag-aral umano ang mga ito sa ilalim ng scholarship ng gobyerno ay maaaring maging kondisyon umano na dapat muna silang magserbisyo ng ilang taon bansa bago payagang magtrabaho abroad.

“Lahat, nurses. Naghahanap… Everybody that I talk to, especially from the States and from Europe… So the only thing is that the scholarship program, that you know, you can’t hold people back from a better life, from a better living…” ani Marcos.

“But I think it’s fair that if you provide scholarship, that you expect that there are… mag-serbisyo muna sila ng ilang taon. Hindi babayaran ‘yung scholarship eh. They don’t need to pay that,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakikipag-usap na ang kanyang ahensya sa University of the Philippines para sa “ladderized” scholarship program.

Ayon kay Vergeire nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Department of Migrant Workers (DMW) para naman sa pagkakaroon ng exchange program sa ibang bansa na nangangailangan ng healthcare workers.

“So in turn we are going to propose that if we can provide them with these numbers that they need, they would provide us also, for example, scholarships for a number of our healthcare workers here,” paliwanag ni Vergeire.

Sa tulong ng mga scholarship na ibibigay ng ibang bansa ay mas mapararami umano ang mga matutulungan na maging nurse.