Calendar

Nation
Security preparation para sa SONA patapos na
Peoples Taliba Editor
Jul 21, 2022
324
Views
NASA final stage na umano ang ginagawang preparasyon para sa seguridad ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Presidential Security Group (PSG) commander Colonel Ramon Zagala patuloy ang ginagawang koordinasyon ng kanyang ahensya sa iba’t ibang sangay ng gobyerno upang masiguro na walang magiging problema sa seguridad sa SONA.
Mayroon umanong sapat na tauhan ang PSG upang tiyakin na magiging ligtas ang Pangulo at ang mga panauhin sa SONA nito.
Wala naman umanong natanggap na impormasyon ang PSG na mayroong grupo na nais na hindi matuloy ang SONA na gagawin sa hapon ng Hulyo 25.
Presyo ng gas, diesel, kerosene bababa
May 12, 2025
Senado igagalang pasya ng taumbayan
May 11, 2025
Reporma sa insurance system nararapat na–LCSP
May 11, 2025